._______27.Ano ang Migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.
______28. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito
I. Maraming mag-aaral na Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang nabanggit.
A. Migration transition
B. Globalisasyon ng Migrasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon
D. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
______29. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa?
A. Tirahan
B. Turismo
C. Edukasyon
D. Hanapbuhay
_____30.Ano ang tawag sa mga taong nagpupunta sa ibang lugar o bansa na walang dokumento, walang permit para magtrabaho na sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
A. Irregular Migrants
B. Permanent Migrants
C. Temporary Migrants
D. Acquired Migrants labor
_____31. Sila naman ang mga taong nagtatrabaho sa mga bansang kanilang pinuntahan at may kaukulang papepeles at manirahan nang may takdang panahon.
A. Irregular Migrants
B. Permanent Migrants
C. Temporary Migrants
D. Acquired Migrants labor
______32. Ang mga OFW na may layunin sa pagpasok sa ibang bansa na hindi lamng upang magtrabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya kalakip ditto ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
A. Irregular Migrants
B. Permanent Migrants
C. Temporary Migrants
D. Acquired Migrants labor