Ang alamat bilang isang uri ng panitikan at pagpapahayag ay mahalaga para sa ating mga ninuno dahil ito ay nagsisilbing gabay o batayan sa kanilang mga malalaking desisyon na gagawin na tiyak na makaaapekto sa isang pamayanan. Sa panahon kung saan payak ang pamumuhay nagiging malaki ang kontribusyon ng alamat at iba pang uri ng panitikan sa pagpapalago at pamamalakad ng ating mga ninuno.