Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
this is Pista.
MGA PISTANG BAYAN
Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin. Napagbuklod-buklod tayo
dahil sa mga selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahon ng pagtatanim at
pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samang nagsasaya, nagbabatian, at
gumagawa upang maisakatuparan ang layunin sa kanilang pagdiriwang.
Sa bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng pista . Ito ay
parangal sa mga santong patron ng bayan at ginagawa isang beses sa isang
taon. Ang mahahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang misa at prusisyon.
Dito nagkakasama ang magkakaibigan at magkakaanak. Lahat ay nagsasaya
dahil sa mga palaro at masasayang tugtugin ng mga musikong umiikot sa
buong bayan habang ang iba naman ay nagsasalo- salo sa masaganang
pagkain.
SINULOG
Ito ay alay sa Sto. Nino na ginanap taon-taon na nagsisimula sa
ikatlong linggo ng Enero at tumatagal ng siyam na araw. Ito ay
pinakamalaking selebrasyon na inaabangan hindi lamang ng mga Cebuano
kundi ng lahat ng deboto ng Santo Nino. Tuwing Sinulog festival ay libo-libong
mga diboto ang nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at
magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman sa kanilang naghihitay sa
kanilang pagdating. Ang salitang Sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-
abay na sulog, na nangangahulugang “like water current movement” na
inilalarawan ang urong-sulong na paggalaw ng Sinulog dance.
ATI-ATIHAN
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlo linggo ng Enero
kada taon ng pista ng Ati-Atihan sa Kalibo, Aklan bilang pagdakila kay Sto.Nino. Nagpapahid ng uling sa mukha ang mga mananayaw samanatalanag
patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig na “Hala
Bira”. Makikilahok ang buong bayan sa pista at magbabahaginan at isang
lingo malalango ang ga lansangan
Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng
mga Kristiyanong mananakop at ang pagsamba sa Santo Nino na malimit
nilang hinihingian ng milagro
PANAGBENGA
Ang Pistang Panagbenga o Baguio Flower Festival ay ang taunang
kapistahan sa Lungosd ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.
Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din
ang mayamang kultura nila kung kaya ay dinarayo ito taon taon ng mga
turista.
Ang salitang panagbenga ay may kahulugan “panahon ng pagyabong,
panahon ng pamumulaklak”. Sa panahong ito makikita ang magarbong
kaayusan ng mga bulaklak, sayawan sa kalye, eksibit ng mga bulaklak,
paglilibot sa hardin, paligsahan sa pag-ayos ng bulaklak, maningning na
pagsabog ng mga paputok at iba pa.
MORIONES
Ang Pista ng Moriones ay isa sa mga makukulay na pagdiriwang sa polo
ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugang mascara na parte ng
armor ng mga Romano na ipinangtakip sa mukha sa panahon ng medyibal.
Ang Moriones ay mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak na
naglalakad paikot sa bayan sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay
Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng
Lunes Santo at nagtatapos sa araw ng pagkabuhay.
PAHIYAS
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-
15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito,
pinasasalamatan ng mga magsasaka ang kanilang patron dahil sa kanilang
masaganang ani. Bahagi ng selebrasyon ang pagdidisenyo ng mga bahay
kung saan ito ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mgaprutas, gulay, bulaklak, dahon, “pako” at “kiping” na siyang nagdadala ng
isang mahusay na kabuhayan.
Mayroon po mga lima pista
Pahiyas
Moriones
Panagbenga
Sinulog
Ati-Atihan
thanks po pwede Pong pa brainleist po.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.