IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.


Question:
Ito ay bahagi ng editorial ipinahahayag ang opinyon ng patnugot.
(Need ko po explanation)​

Sagot :

Answer:

Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-Tudling

Ang editoryal na tinatawag ding pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagang

nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang

isyu. Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito mababasa ang paninindigan

nila ukol sa isang napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong magbigay-kaalaman,

magpakahulugan, humihikayat, at kung minsa’y lumibang sa mambabasa.

Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong-Tudling

May tatlong bahagi ang editoryal o pangulong-tudling. Ito ay ang sumusunod:

1. Panimula - Dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.

2. Katawan - Sa bahaging ito ipinapahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot.

Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig)

o con (pagsalungat) sa isyung tinalakay.

3. Wakas - Dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang

mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.

Mga Salitang Nanghihikayat:

Totoo, Subalit, Kaya natin ito, Ngayon Na!

Tunay, Siguradong…, Siyempre, Naniniwala akong…, Ito na

Talaga, Tara, Kitang-kita mong…, Sama na…, Kaya mong maging bahagi ng…

Editoryal na Nanghihikayat o Namumuna

- nagpapaliwanag ng kamalian o suliran, sumusuri ng kalagayan, nagmumungkahi

ng isang solusyon na nanghihikayat ng pagbabago.

Mga Halimbawa:

Masamang pag-uugali ng mag-aaral

Maling pamamalakad ng isang kompanya

Mahal na pagkain sa kantina

Dahilan ng pangongopya sa mga panahon ng pagsulit

Ang mismong sagot ay ang KATAWAN ng editoryal. Kung mapapansin ay mahaba ang nilalaman nito dahil dito mismo inihahayag ng may akda o ang patnugot ang kanyang opinyon

Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.