IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

1. Ano ang impresyon sa iyo ng larawan ng pabalat ng aklat?

2. Ano ang maaaring sinisimbolo ng babae sa pabalat ng aklat?

3. Bakit mukhang natatakot ang mga tao sa ibabang bahagi ng pabalat?

1 Ano Ang Impresyon Sa Iyo Ng Larawan Ng Pabalat Ng Aklat 2 Ano Ang Maaaring Sinisimbolo Ng Babae Sa Pabalat Ng Aklat 3 Bakit Mukhang Natatakot Ang Mga Tao Sa I class=

Sagot :

Answer:

Pabalat ng Noli Me Tangere

1. Noli Me Tangere Simbolismo ng Pabalat

2. Pagpapakilala ng Pabalat Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang nobela. Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo. Pagkatapos mong mabasa ang pagsusuring ito sa disenyo ng pabalat ng nobela ay maaring maituring na ito ang siyang pinakamahusay sa lahat ng mga likhang guhit ni Rizal

3. Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na ni Rizal na magkaroon kaagad ng paunang pagkaunawa ang kaniyang mga mambabasa ukol sa nilalaman ng nobela. Dahilan sa ang mga nakapaloob sa pabalat nito ay matatagpuan at tatalakayin sa loob ng kaniyang sinulat.

4. Pansinin ang mga sumusunod Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN. Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan.

5. Itaas na Bahagi Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiwalay na bahagi. Ibabang bahagi

6. Sa kabilang dako, ang paghahati ay hindi itaas at ibaba – mayroon tayong mapapansin na hugis. Ang kanang triangulo na malapad ang paanan,subalit papakitid ang ulunan. Ang kaliwang triangulo na makitid ang paanan,subalit lumalapad sa ulunan.

7. PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA ITAAS/KALIWANG BAHAGI Ang krus Simetrikal na sulo Dahon ng laurel Bulaklak ng sunflower Supang ng kalamansi Ulo ng babae Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere

8. PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA IBABA O KANANG BAHAGI Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa Penitensiya Latigo capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo

9. Subalit tingnan natin ang pabalat ng nobela, mula sa ibaba pataas.

10. Ang magkabilang triyangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang Kahapon Ang hinaharap ng bayan

11. PAGBALIKAN NATIN NG PANSIN ANG SIMBOLISMO PARA SA GAGAWIN NATING PAGBIBIGAY PAKAHULUGAN Bahagi ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa penitensiya Latigo ng alperes capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo

12. MGA KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.

13. KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Paa ng prayle Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paa ng prayle. Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan. At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan.

14. Sapatos Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas. Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na alagad. Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang bihisan, kahit panyapak , o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang ikabubuhay. Mateo 10:10

15. Nakalabas na binti sa ibaba ng abito. Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela. O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng “putris” at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt (Peb. 2, 1890)

16. Helmet ng guardia sibil. Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga