Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Answer:
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan
Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco, isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay – pantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika.