IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

impormasyon tungkol sa bansang singapore batay sa kanilang kultura,edukasyon,pananampalataya at ekonomiya

Sagot :

Singapore:

Ang bansang Singapore ay isa sa mga bansa na kabilang sa Timog – Silangang Asya tulad ng  Hapon, Pilipinas at Tsina. Ito ay matatagpuan sa itaas na bahagi ng ekwador sa Timog – Silangang Asya. Ito ay binubuo ng maliliit na isla. Ang pagkakaroon ng determinado at mahusay na pamahalaan ang nagtulak upang sila ay lumago sa larangan ng kalakalan at turismo at maging huwaran sa mga bansang umuunlad. Ang capital ng Singapore ay Singapore din at ito ay halos ikatlong bahagi ng kabuuan ng Singapore.

Batayan ng Pag - Unlad:

  • Kultura
  • Edukasyon
  • Pananampalataya
  • Ekonomiya

Ang kultura ng bansang Singapore ay kombinasyon ng Arabo, Bombay, Ingles, Malay, at Tsino. Ang kakaiba nitong kalasag etniko ay nagbibigay laya sa mga dayuhan na makaranas at makakita ng iba’t ibang lasa at pagkaing mapagpipilian. Mayroon din silang taunang pagdiriwang at pista. Kapansin – pansin ang pagkahilig sa musika, sine, at nightlife ng mga Singaporian. Sa bansang ito ay mahigpit na ipnagbabawal ang pagtawid sa maling tawiran at pagkakalat.  

Ang Singapore ay sa sa mga bansang mataas na antas ng edukasyon. Sa populasyon nitong mahigit sa apat na milyon, 93.2% ang nakakabasa at nakakasulat. Matinding kompetisyon ang kaharap ng mga mag - aaral sa Singapore sa pagpasok pa lamang sa mga pamantasan. Ito ay dahil sa ang pagpasok at pagtatapos sa mga unibersidad ay nangangailangan ng kaginhawaan sa buhay ng mga mag - aaral. Isang malaking pagbabago sa sistema ng edukasyon ng Singapore ay ang pagpapahintulot sa mga pamantasan mula sa Amerika at Europa na makapagpatayo ng  institusyon sa kani - kanilang bansa.

Tulad ng kanilang kultura, ang relihiyon ng bansang Singapore ay pinagsama samang relihiyon ng Arabo, Bombay, Ingles, Malay, at Tsino. Katunayan, ito ay nahahati sa pitong pangkat: budista, kristiyano, muslim, taoista, hinduista, walang relihiyon, at iba pa. Ang mga Tsinong naninirahan sa bansang ito ay mga budista, taoista, shenista, kristiyano, at katoliko. Ang mga Malay naman ay muslim at ang mga Bombay ay hinduista.

Sa kabila ng pagiging maliit, ang bansang Singapore ay isa sa mga bansang may higanteng ekonomiya. Katunayan, ito ang siyang pinaka modernong siyudad sa Timog – Silangang Asya. Mayroon silang magagarang hotel, napakasarap na pagkain, at magarang pamilihan. Sapagkat ang Singapore ay nasa dulong bahagi ng Malay Peninsula, ito ay naging pasyalan at sentro ng negosyo. Idagdag pa rito ang pagkakaroon ng mahusay na imprastruktura, malinis, ligtas, at kaaya – ayang kapaligiran. Ang kanilang paliparan ng Changi ay naging sentro ng mga rutang panghimpapawid ng karamihan ng mga siyudad sa buong mundo.

Ang kanilang mga subway ay malinis, mabilis, at maaasahan. Ang kanilang makabagong daungan ay naging sentro ng lahat ng mga daungan sa buong Timog – Silangang Asya dahil sa angkin nitong ganda. Hindi na kailangan pang magkaroon ng sariling sasakyan kung maninirahan sa siyudad ng Singapore. Ang mga tao ay sanay na sumakay ng mga pampublikong sasakyan o di kaya naman ay maglakad upang libutin ang buong siyudad. Ang lahat ng magagandang tanawin sa bansang ito ay naaabot ng mga pampublikong sasakyan. Tulad ng Pilipinas, ang pag – ulan ay kalat sa buong taon. Ang Singapore ay mayaman sa mga parke, nature reserve, at mga berde at sariwang damuhan.

Upang higit na makilala ang bansang Singapore, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/141082

https://brainly.ph/question/118631

https://brainly.ph/question/118776