IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Entrepreneurship
Ang kahulugan ng Entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang entrepreneurship. Ang ibang salita para dito ay negosyo o pagnenegosyo, hanap-buhay o paghahanap-buhay. Entrepreneur o negosyante ang tawag sa isang nagnenegosyo. Mahalagang salik ito sa pagsulong ng ekonomiya.
Mayroon itong mga pangangailangang proseso sa pagsisimula at sa patuluyang paglago nito. Gumagamit ng giya mula sa mga business principles gaya ng tinatawag ng iba na PDCA, o Plan, Do, Check, Act. Kailangang magplano, isagawa ang plano, may kakayahang pamahalaan at patuloy sa progreso.
Ang Kahalagahan ng Entrepreneurship
Ang Entrepreneurship ay hindi lamang mahalaga para sa negosyo mismo. Ito ay may malaking papel sa ekonomiya ng isang bansa. Una sa lahat, lumilikha ito ng mga bagong trabaho. Kapag nagsimula ang isang negosyante ng isang negosyo, siya ay nangangailangan ng pag-upa ng iba upang itayo ang kumpanya. Bukod diyan, ang entrepreneurship ay nagdudulot ng paglago ng ekonomiya.
Iba't ibang Uri ng Entrepreneurship
- Small Business Entrepreneurship
- Scalable Startup Entrepreneurship
- Large Company Entrepreneurship
- Social Entrepreneurship
Mga Katangian ng Isang Entrepreneur
Ang Entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon. Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip ng maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago. Para magawa iyan, dapat siya ay:
- Mayroong sariling interes at mataas na motibasyon sa negosyo
- Nakakasabay sa pagbabago
- Mahusay sa paghawak ng pinansiyal
- Ang customer ang nagiging pokus
- Mayroon siyang estratehiya tungkol sa paglago ng kaniyang negosyo upang maging competitive
- Marunong makipag-ugnayan, humingi ng tulong o suporta
Karagdagang mga Impormasyon
Ano ang kahulugan ng enterprise? Alamin sa https://brainly.ph/question/77050.
Ano ang kalagayan ng entreprenuership sa Pilipinas? Malalaman mo sa link na ito: https://brainly.ph/question/1516120.
Ano ang karaniwang hamon na dapat paghahandaan sa papasok sa karera ng entrepreneurship? Tingnan sa: https://brainly.ph/question/1204496.
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.