IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
Answer:Ang Nueva Ecija (Filipino: Bagong Esiha/Nuweba Esija) ay isang walang pampang na lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kapital nito. Napapalibutan ang Nueva Ecija ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan at Aurora.
Nabuo ang Nueva Ecija bilang isang comandancia militar noong 1777 sa pamamagitan ni Gobernador Heneral Clavería[kailangan ng sanggunian], kasama ang kapital sa Baler (bahagi na ngayon ng Aurora). Dating kabilang sa lalawigan ng Pampanga. Mula sa pagkatatag nito sa simula, lumaki ang lawak ng lupain upang sakupin ang buong pulo ng Luzon. May mga talaan ng mga Kastila na kinikilala ang 2 Kastilang lalawigan (county) sa Pasipiko —Las Islas Filipinas at Nueva Ecija. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi binigyan na pagkilala ng Hari ng Espanya noong dekada 1840 ang Nueva Ecija bilang isang hiwalay ng bansa sa Pilipinas. Mula 1777 hanggang 1917, nahati ang teritoryo ng Nueva Ecija upang magbigay daan sa palikha ng ibang lalawigan. Ang lalawigan ng Tayabas (Aurora at Quezon ngayon) kabilang ang mga pulo ng Polilio, ang lalawigan ng Palanan (Isabela ngayon), Cagayan, ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, ang teritoryo na naging kabilang sa Lalawigan ng Quirino, at ang lalawigan ng Maynila hilaga ng lalawigan ng Tondo noong 1867, at ang Distrito ng Morong (Rizal ngayon) ay nalikha mula sa Nueva Ecija.
Ipinangalan ang lalawigan sa lumang lungsod ng Écija sa Sevilla, Espanya.
Noong 1896, isa ang Nueva Ecija sa mga unang lalawigang nag-alsa laban sa Espanya, at isa sa mga lalawigan na nagdeklara ng kalayaan noong 1898.
Unang Sigaw ng Nueva Ecija
Pangunahing lathalain: Unang Sigaw ng Nueva Ecija
General Manuel Tinio, dating gobernador of Nueva Ecija
Ang "Unang Sigaw ng Nueva Ecija" ay isang pag-aaklas nong 1896 sa pangunguna ni Heneral Mariano Llanera, na inagapayan nina Heneral Manuel Tinio at Pantaleon Valmonte ng Bayan ng Gapan, Nueva Ecija and kolonel Alipio Tecson ng Cabiao, Nueva Ecija na kamalaunan ay naging Brigadyer Heneral. Ang pag-aaklas ay ginanap sa Cabiao, Nueva Ecija. Si Alipio Tecson ay naging Governadorcillo naman ng Cabiao, Nueva Ecija.[2]
Explanation:
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.