IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Answer:
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa mga tungkuling nararapat na gampanan ng mamamayang bumubuo dito. Ito ay tinatawag ding patriyotismo na hango sa pater, isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay ama. Ito rin ay pagsasabuhay ng pagkamamamayan ng isang tao - isang uri ng pagmamahal na nauugat sa pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa bayang sinilangan.
Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang aspeto ng pagkatao na nararapat lamang na isabuhay ninuman. Ito ay sadyang mahalaga sapagkat dito nagmumula ang tunay na tagumpay at pag-asenso ng isang bansa. Kung mahal mo ang bayan mo, ikaw ay aktibong tutulong at gagawa para sa ikabubuti nito. Tulad na lamang sa isang pamilya; kung mahal mo ang iyong pamilya, ikaw ay gagawa ng mga bagay na makapagpapaligaya at makakatulong para sa ikabubuti nila. Ang pamilya, ika nga, ang pinakauna at pinakamahalagang yunit ng lipunan.
Explanation:
#CARRYONLEARNING
#SANAMABRAINLIEST