Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Iskor
I. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ibigay ang pinakaangkop na posibleng magiging pagbabago sa iyong
dating kaalaman kaugnay sasumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging malinis ang kapaligiran at
makalikom ng pondo.
A. Dapat laging may proyekto ang paaralan.
B. Mawawala na ang basura sa paaralan.
C. Nalutas na ang suliranin sa basura maaari pang kumita.
D. Hindi problema ng paaralan ang basura.
2. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Seth at nasasabik na pumasok. Tinawag sila isa-isa ng guro
upang magpakilala. Hindi nakapagsalita si Seth.
A. Masaya ang unang araw ng pasukan.
B. Maraming bagong makikilala sa unang araw ng pasukan.
C. Hindi maiwasan ang kabahan at mahiya sa pagpapakilala sa unang araw ng klase, kaya dapat handa.
D. Laging nagpapakilala sa unang araw ng pasukan.
3. Mula sa ibang bansa si Joana, Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kaniyang kaklase, huwag siyang
kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na parehong mahusay sa Filipino
at Ingles ang kanilang bagong kamag-aral.
A. Matutong makipagkaibigan.
B. Iwasan na mapalapit sa baguhan.
C. Hayaang maunang pumansin at makipagkaibigan ang bago.
D. Kilalanin muna ang tao bago magsalita tungkol dito,
4. Isang gabi hindi nakatulog si Joey, ayaw humiwalay sa kaniyang isipan ang nabanggit ng ina na patitigilin sila
sa pag-aaral dahil wala na talaga silang pera.
A. Mahirap mag-aral.
B. Kailangan mapera para makapag-aral.
C. Ang mahirap hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.
D. Mahirap maging mahirap pero sa masikap mawawala ang hirap.
5. Gutom na gutom sina Omar at Calib galing sa paaralan. Tamang-tama ring naluto na ni Nanay ang pagkain.
Kaya agad na inihain ito ng kanilang kapatid.
A. Dapat laging masarap ang pagkain.
B. Mahalaga ang pagtutulungan sa pamilya.
C. Si Nanay lang ang magluluto.
D. Nakagugutom ang pag-aaral.
II. Panuto: Basahin ang sumusunod at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan/
kaalaman. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Masayang naglalaro sa parke ang magkaibigang Marvin at Jhimar nang biglang napansin ni Marvin
na walang suot na face mask si Jhimar.
A. Tumakbo pauwi si Jhimar dahil hinabol sila ng aso.
B. Inaya na lang ni Marvin si Jhimar na pumunta sa simbahan.
C. Nagtago si Jhimar sa likod ng mga puno para hindi siya makita ni Marvin.
D. Pinagsabihan ni Marvin si Jhimar na huwag kakalimutang magsuot ng face mask.
2. Sa sobrang pagmamadali ni Marta sa paglilinis ng tukador, nakabig niya ang mamahaling plorera ng
kaniyang lola.
A. Nahulog ito at nabasag.
B. Nagluto ng pagkain si Marta.
C. Tumakbo papuntang palikuran si Marta.
D. Nagbihis at namasyal sa parke si Marta kasama ang kaniyang lola.
3. Napasigaw nang malakas si Fatima nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga niyang aso.
A. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang galak.
B. Hinimatay siya sa sobrang pagkagutom.
C. Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.
D. Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan nito.
4. Umuwi ang ina ni Rhegan mula sa ibang bansa gustong-gusto niyang lapitan at yakapin ang ina ngunit​

Sagot :

Answer:

1.c 2. C 3.d 4.d 5.b,,,1.d 2.a 3.d

Answer:

1. C

2. C

3. D

4. D

5. B

1. D

2. A

3. D

Hope It Helps Po :)