IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Unang babaeng naging pangulo ng Pilipinas.

Sagot :

Unang Babae na Naging Pangulo ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay may labing-anim na pangulo. Ang pangulo ng bansa ay kadalasang lalaki kaya naman nagbigay ng marka ang unang babae na naging pangulo ng Pilipinas. Siya ay si Corazon Aquino. Siya ay nagsilbing pangulo noong Pebrero 25, 1986. Tinagurian din siyang Ina ng Demokrasya dahil sa panunumbalik ng demokrasya sa kanyang panunungkulan.

Mahahalagang Impormasyon Tungkol Kay Corazon Aquino

Bukod sa pagiging unang pangulo ng Pilipinas at Ina ng Demokrasya, kilalanin pa natin si Corazon Aquino. Narito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya:

  • Si Corazon Aquino ang ikalabing-isang pangulo ng Pilipinas.

  • Siya ay ipinanganak noong Enero 25, 1933 sa Tarlac.

  • Siya ay nagtapos sa isang paaralang Katoliko ng mga kababaihan at nakapag-aral sa Estados Unidos ng may digri ng wikang Pranses at Matematika.

  • Napang-asawa niya si Benigno Aquino Jr.

  • Napili siya ng National Press Club upang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas at nangalap ng isang milyong lagda ng mga taong nais siyang maging pangulo.

  • Siya ay naluklok sa pamamagitang ng mapayapang People Power Revolution.

  • Ipinatupad niya ang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Act. Naglalayon itong mabigyan ng lupain ang mga magsasaka upang makaahon sa kahirapan.

  • Siya ay namatay noong Agosto 1, 2009 dahil sa cardiorespiratory arrest.

Mga Naging Pangulo ng Pilipinas:

https://brainly.ph/question/6780763

#LearnWithBrainly