Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ang kahulugan ng tuso

Sagot :

Kahulugan ng Tuso

Ang salitang tuso ay isang pang-uri. Ang kahulugan nito ay ang pagiging mapanglamang, mapanlinlang, suwapang o magulang. Inilalarawan nito ang tao na nagnanais makamit ang isang layunin sa paraang hindi patas sa iba. Bagamat ang kahulugan ay negatibo, para sa iba ito ay paggamit ng talino. Diskarte nila ito upang maabot ang minimithi sa buhay.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang salitang tuso sa pangungusap upang mas maintindihan ito. Narito ang ilang halimbawa:

  • Tuso ang anak ni Aling Ruby kaya naman wag kang basta basta maniniwala sa mga sinasabi niya.

  • Si Roger ay tuso sa trabaho. Pinipili niya ang madadaling gawain.

  • Hindi ako magtataka kung wala ng bumili sa mga paninda niya dahil siya ay tuso.

Kahulugan ng mga salitang Tagalog:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly