Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
Ang talata ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumuo at nagpahayag ng isang kaisipan. Ang bawat pangungusap ay kailangang magkakaugnay tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng talata. Malimit ang nasa unahan o ulihan ang paksang pangungusap. Ito ang naglalaman ng diwa ng talata.
Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/413266
Katangian ng isang mahusay na talata
- kaisahan - Ang mga pangungusap ay umiikot sa iisang diwa at walang kaisahan ang talata kung watak- watak ang ideyang ipinahayag ng bawat pangungusap.
- kaugnayan - Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula hanggang sa dulo ng pahayag.
- kaanyuan - Ang talata ay maaring buuin, ayusin at linangin ayon sa lugar o heograpiya, ayon sa kahalagahan o ayon sa kasukdulan.
Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/13298
Mga bahagi ng isang talata
- Panimulang pangungusap
- Gitnang pangungusap
- Pangwakas na pangungusap
Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/575043
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.