Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Heograpiya
Heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na "geographia". Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan sa daigdig. Isang siyentipikong pag - aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Mahalagang salik ng pagbuo at pag - unlad ng kabihasnan. May kinalaman sa kultura at kabuhayan ng isang bansa. May malaking epekto sa kilos at gawi ng tao.
Mga Salik ng Heograpiya:
- kapaligirang pisikal
- iba't - ibang anyong lupa at anyong tubig
- klima
- likas na yaman
Ang kapaligirang pisikal ay tumutukoy sa kinaroroonan, hugis, sukat, anyo at vegetation cover ng isang lugar.
Ang iba't - ibang anyong lupa ay maaaring bundok, bulkan. kapatagan, talampas, burol, at tangway. Samantalang ang iba't - ibang anyong tubig naman ay karagatan, ilog, bukal, lawa, look, gulpo, at talon.
Ang klima ay maaaring tag - ulan, tag - init, tag - sibol, at tag - lagas.
Ang mga likas na yaman ay maaaring yamang - lupa, yamang - tubig, mineral, at deposito ng langis.
Ano ang heograpiya: https://brainly.ph/question/4924634
#LearnWithBrainly
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.