Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Ang Kultura at Tradisyon ng Singapore
Ang Malay Peninsula ay mayroong malaking bahagi sa kultura at tradisyon ng Singapore ngayon. Ito ay may kaugnayan pa rin sa pamahalaan ng bansa. Ang kanilang relihiyosong mga gawain ay mahigpit sa pagsunod sa mga batas ng estado lalo na sa mga public orders, pampublikong kalusugan at moralidad sa lipunan.
Walang opisyal na relihiyon ang estado ng Singapore. Bagaman inilulunsad nila ang ang freedom of religion, mahigpit pa ding ipinagbabawal ang gawain ng mga Saksi ni Jehova o ng Unification Church sa Singapore.
Kilala din ang Singapore sa mahigpit na pagpapatawa ng disiplina o parusa sa lumalabag sa batas, nagsasalita o gumagawi man na maaaring makaapekto sa pagkakaisa ng mga lahi o pananampalataya ng mamamayan nito. Ang Saligang Batas ng Singapore ay matatag pagdating sa paglalaan ng programang pangkalusugan at mga karapatang-sibil.
Ang pulo o bansa ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa pangalang Singapura o Singapore. Ang salitang Singapore ay nagmula sa salitang "pura" o lungsod at sa salitang "leon" o singa. Itinatag ito noong ika-16 siglo.
Demograpiya ng Singapore
Opisyal na Pangalan: Republika ng Singapore
Lokasyon: bansa sa Timog-Silangang Asya; Makikita ang pulo sa timog ng Johor sa tangway ng Malaysia at sa hilaga ng pulong Riau ng Indonesia.
Pambansang kasabihan: "Majulah Singapura!" o “Onward, Singapore!"
Uri ng Gobyerno: Parliyamento
Pambansang wika: Malay
Pero ginagamit nila ang iba pang wika gaya ng:
- Ingles
- Mandarin
- Tamil
Maikling Ulat ng Kasaysayan at Ekonomiya ng Singapore
Napasailalim sa Imperyong Hapon ang Singapore noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kanilang opisyal na pagiging indipendiyente ay noong taong 1965.
Sa ngayon, matatag ang ekonomiya ng Singapore gaya ng makikita sa GDP Report nito at isa sa pinakamataas sa buong daigdig. Sila ang nangunguna sa export ng elektroniko at manufacturing industries. Kaya naman, bagaman napakaliit na bansa ito, isa ito sa pinakamaunalad na bansa sa buong daigdig.
Karagdang Impormasyon
- Alamin pa ng higit kung ano ang mga kultura ng mga taga-singapore sa: brainly.ph/question/10966.
- Anong kultura ng mga singapore ang masasalamin sa kwentong Ang Ama? Basahin ito sa: brainly.ph/question/122986
- Ano ang panitikan ng Singapore? Malalaman mo iyan sa: brainly.ph/question/118578.
- Ano ang tradisyon ng Singapore? Basahin sa: brainly.ph/question/332451.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.