Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang 10 aral na makikita sa kwentong ibong adarna? maraming salamat po..

Sagot :

Mga aral na mapupulot sa kwento ng Ibong Adarna

1. Mahalin mo ang iyong kapatid gaya ng pagmamahal mo sa iyong mga magulang.

2. Tumulong sa iyong kapwa lalong lalo na sa mga nangangailangan.

3. Maging mapagbigay sa kapwa. Ibahagi sa iba kung ano mang meron ka.

4. Huwag tumingin sa pisikal na anyo ng isang tao.

5. Huwag mainggit sa nakamtang tagumpay ng iba.

6. Huwag gumawa ng masama sa iyong kapwa, dahil ito ay malaking kasalanan sa mata ng tao at sa Diyos.

7. Manatiling maging isang mabuting tao sa kabila ng paggawa ng masama sa iyo ng iyong kapwa.

8. Maging mapagpatawad sa mga nagkasala sayo.

9. Maging matapang at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sayo.

10. Maging isang mabuting anak sa iyong mga magulang.

Kahalagahan ng Aral ng isang kwento

Ang isang kwento ay nagiging maganda at makabuluhan kung ito ay may mga aral na mapupulot ang mga mambabasa. Ang aral na makukuha sa isang kwento ang syang nais iparating ng may akda ng kwento. Magagamit natin ang mga aral na ito bilang gabay natin sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

Ano ang  kwento?

Ang  kwento ay nabubuo dahil sa malikhaing-isip ng isang tao. Ito ay pinapahayag sa pamamagitan ng pagsulat at pagdrama. Ang kwento ay maaaring totoo o di kaya ay gawa-gawa lamang. Binubuo ang isang kwento ng paksa, tagpuan, at mga karakter.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit itinuring na angkop na angkop ang mga nilalaman ng ibong adarna sa kalinangan at kulturang pilipino bagama't sinasabi ng marami na isang halaw o huwad na panitikan lamang ito?: https://brainly.ph/question/2093901  

Ano ang Ibong Adarna?

Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat.

Sino ang may akda ng Ibong Adarna?  

May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw. Ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:  

  • Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag.  
  • Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito’y di isinama sa pagpapalathala.  
  • Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila.  
  • Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.  

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Ibong Adarna, maaaring magpunta sa link na ito: Akrostik ng Ibong adarna:  https://brainly.ph/question/2082489