Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Mga uri ng tayutay
Pagtutulad (Simili) - Ito ay paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may pagkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag nagbalik, ito'y sadyang sa iyo nakalaan.
Metapora (Methapor) - Ito ay naghahambing din katulad ng pagtutulad subalit direkta ang paghahambing ng dalawang bagay at hindi na ginagamitan ng mga panlapi at salitang naghahambing.
Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.
Personipikasyon (Personification) - Ito ay pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi at kilos sa mga bagay na walang buhay.
Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.
Pagtawag (Apostrophe) - Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinaramang kaisipang para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
Pag-ibig, tingnan mo ang ginawa mo sa puso kong sugatan.
Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) - Dito ay sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.
Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang buhay ng kanyang ama.

Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.