Naipamalas ng mga Tsino ang damdaming nasyonalismo sa harap ng imperyalismong kanluranin sa pamamagitan ng paghihimagsik at pakikipag-alsa sa mga dayuhan. Ito ay mahahalintulad natin sa labanang Rebelyon Taiping noong 1850; Mga Reporma noong 1864; at, Rebelyong Boxer noong 1900. Isa pang paraan kung saan naipaimalas nila ang damdaming nasyonalismo ay ang pagtatag at pag-usbong ng dalawang natatanging ideolohiya sa China: ang Demokrasya at Komunismo.