Ano ang kaugnayan ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Asya?
Magkaugnay ang kolonyalismo at imperyalismo dahil ito ang mga dahilan kung bakit umusbong ang damdaming nasyonalismo sa Asya. Parehas na tinututulan ng mga Asyano ang kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluraning bansa sa Asya. Hindi nila nagustuhan ang naidulot ng mga ito sa kanilang bansa. Sinakop tayo ng mga Kanluranin dahil nakaroon sila ng interes sa ating mga likas na yaman at sa mga spices na matagpuan sa ating bansa at iyon ay ang kolonyalismo. Ang imperyalismo naman ay ang pagsakop sa atin ng mga Kanluranin dahil gusto nilang palakasin at palawakin ang kanilang kapangyarihan.