Ang ANALOHIYA ay paghahambing ng dalawang bagay na kapuwa nagtataglay ng ilang mahahalagang aspekto. Sa ganang sarili, ang analohiya ay ay hindi nagpapatunay sa isang bagay; kailangang mapatunayan ang katumpakan nito batay sa sinasabi mismo ng unang bagay na nais ihambing. Sa pamamagitan ng analohiya ay makikita ang pagiging makatwiran ng isang ideya.
Halimbawa, ang analóhiya ay maaaring gamitin kapag ipinaliliwanag na ang Kaharian ng Diyos ay isang pamahalaan. Maaari mong ipakita na tulad ng mga pamahalaan ng tao, ang Kaharian ng Diyos ay may mga tagapamahala, mga sakop, mga batas, isang sistema ng hukuman, at isang sistema ng edukasyon.