IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Ano ang kaugnayan ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Asya?

Sagot :

Magkaiba ang karanasan ng mga bansa sa Europe sa mga naranasan ng mga mamamayan sa Asya. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay napasailalim sa kolonyalismo at imperyalismo kung kaya't ang nasyonalismo na nabuo sa Asya ay reaksyon o tugon laban sa kolonyalismo. Batay sa karanasan ng mga Asyano, ang nasyonalismo ay nagsimula bilang saloobin ng mga mamamayan na ang layunin ay makamit ang kalayaan mula sa kapangyarihan ng mga mananakop. Sa konteksto ng mga kanluraning mananakop, ang nasyonalismo ay ang masidhing damdamin na palakasin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop at tumulong sa mga nangangailangan ng paggabay sa mga aspeto ng pulitikal,, ekonomiko, at kultural. Ngunit, ang nasyonalismong ito para sa sinakop na bansa ay imperyalismo.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.