Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Primarya at Sekundaryang Sanggunian
Ang primaryang sanggunian ay ang impormasyong galing mismo sa taong nakasaksi ng pangyayari. Ito ay paglalahad ng kasaysayan ng pulitika at lipunan dahil sa mismong nakasaksi ng pangyayari sa kasaysayan. Ito rin ay salaysay ng taong nakasaksi ng pangyayari.
Ang sekundaryang sanggunian ay ang impormasyong galing sa iba o nalaman lang dahil sa taong nakasaksi ng pangyayari. Ito ay salaysay ng di nakasaksi ng pangyayari ngunit nalaman ito mula sa isang saksi o sa iba. Ito rin ay kadalasang may halong interpretasyon ng mga di nakasaksi.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa primarya at sekundaryang sanggunian, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/778476
Halimbawa ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian
Halimbawa ng primaryang sanggunian:
- Dokumento – mga bagay o usaping nakasulat sa papel mapapubliko o personal/pribadong dokumento tulad ng mga:
- Ulat pampamahalaan
- Batas o ordinansa
- Talaarawan
- Talambuhay
- Dayari
- Kontrata
- Kasaysayang Pasalita
Halimbawa ng sekundaryang sanggunian:
- Aklat tulad ng mga:
- Diksyunaryo
- Encyclopedia
- Taunang-ulat o yearbook
- Almanac at atlas
- Artikulo
- Dyaryo
- Manuskripto
- Manual
- Polyeto
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa halimbawa ng primarya at sekundaryang sanggunian, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/553857
Pagkakapareho ng Primarya at Sekundaryang Sanggunian
- Parehas na nagbibigay impormasyon.
- Parehas na nagbibigay kaalaman tungkol sa mga pangyayari noon hanggang ngayon .
- Parehas na nagsasaad ng katotohanan tungkol sa mga isyu .
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pagkakapareho ng primarya at sekundaryang sanggunian, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1552571
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.