IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Ang Mga Kultura ng Singapore
Bilang dating kolonya ng Britanya at parte ng Timog-Silangang Asya, ang Singapore ay may kulturang pinagsamang pang-silangan at pang-kanluran. Talakayin natin ang ilang bahagi ng kultura ng Singapore:
- Iba’t-ibang lahi
- Sari-saring paniniwala
- Kakaibang batas
- Modernong pamumuhay
Iba’t-ibang lahi
Ang mga pangunahing grupong etniko sa Singapore ay ang mga:
- Malay
- Tsino
- Indiyano
Ang islang ito sa dulo ng Malaysia ay naging sentro ng kalakaran; dahil ginamit itong daungan ng mga barko ng Britanya na papunta sa India. Noon pa ma’y nakipagsapalaran na ang mga manggagawang Tsino at Indiyano upang magtrabaho sa Singapore.
Sa kasalukuyan, laganap na ang industriyalisasyon sa bansa. Hanggang ngayon ay lumalawig ang populasyon ng mga dayuhang nagtratrabaho at namamalagi sa Singapore. Nagdudulot ito ng napakayaman at nagkahalo-halong kultura mula sa iba’t-ibang grupong etniko.
Sari-saring paniniwala
Ang iba’t-ibang lahi ay may sari-sariling pinaniniwalaan relihiyon na itinuturo mula sa murang edad. Laganap ang Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo, Taoismo, at marami pang iba. Dahil dito ay napakaraming mga engrandeng gusali ang itinatag para sa ang iba-t ibang relihiyon. Ang mga bumibisita sa mga gusaling ito ay kailangang sumunod sa mga ipinaiiral na paniniwala ng relihiyon, tulad ng pagtakip sa buhok ng mga babae sa mga mosque.
Kakaibang batas
May mga batas na sadyang pinapatupad at nangingibaw Singapore, at hindi matatagpuan sa ibang karatig-bansa. Ang mga ipinagbabawal na ito ay may kaakibat na malaking multa o pagkakakulong: bubble gum, pagdura, pagkakalat, pagtawid sa hindi tamang tawiran, paninigarilyo sa loob ng gusali, paglalasing sa publiko, pagmamaneho ng lasing, droga, at iba pa. Ang pagmamay-ari ng katiting na droga ay maaring maging basehan upang patawan ng parusang kamatayan.
Modernong pamumuhay
Karamihan sa mga namamalagi sa Singapore ay mga dayuhan at negosyante. Mababa ang buwis dito kaya nakakaengganyong magpatayo ng negosyo. Maganda ang mga serbisyong publiko at maunlad ang imprastraktura, ngunit ‘di maikakailang malaki ang gastusin upang mamuhay sa bansang ito.
Alamin ang katangian ng Sinagpore sa link na ito: https://brainly.ph/question/118776.
Alamin ang pamahiin ng Singapore sa link na ito: https://brainly.ph/question/119872.
Alamin ang panitikan ng Singapore sa link na ito: https://brainly.ph/question/39274.
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.