Ang mga Kanluraning bansa, katulad na lamang ng mga bansang Portugal, Netherlands at England, ay nagkaroon ng interes na sakupin ang Indonesia dahil sa ito ay sagana sa mga pampalasa. Dito mo matatagpuan ang Spice Islands o sa kasalukuyang tinatawag na Moluccas. Nagkaroon din sila ng interes dito dahil sa mga likas na yaman na matatagpuan sa paligid ng bansa. Masyadong masagana at mayaman ang Indonesia kaya lubos na hangarin ng mga dayuhan na sakupin ang bansang ito.