IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ano ang pagkakaiba ng pang uri at pang abay? kindly explain briefly!!

Sagot :

Pagkakaiba ng Pang-Uri at Pang-Abay

Ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay ay, ang pang-uri ay naglalarawan sa isang pangngalan at panghalip, samantala ang pang-abay ay naglalarawan sa isang kilos o pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Pang-Uri

  • Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.

Mga Halimbawa:

  • kulay - asul
  • laki - mataas
  • bilang - tatlo
  • hugis - parisukat
  • dami - isang kilo
  • hitsura - maganda

Uri ng Pang-uri

  • Panglarawan
  • Pamilang

Kaantasan ng Pang-uri

  • Lantay
  • Pahambing
  • Pasukdol

Pang-abay

  • Ito ay salita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay na bubmubuo ng parirala
  • Ang pang-abay ay mabilis mapapansin sapagkat kasama ito ng isang pandiwa.

Mga Halimbawang pangungusap:

  • Ang bata ay masaya.  
  • Ang bata ay masayang naglalaro.

Paliwanag:

Sa unang halimbawang pangungusap, ang salitang masaya ay isang pang-uri sapagkat inilalarawan nito ang pangngalan na bata.

Samantala, sa ikalawang pangungusap, ang salitang masayang (happily) ay naglalarawan sa kilos o pandiwa na naglalaro.

Ibig sabihin, ang pang-uri ay naglalarawan sa mga pangngalan samantala ang pang-abay ay naglalarawan ng isang pandiwa o kilos.

Dagdag na Kaalaman

Pangngalan - tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari  (https://brainly.ph/question/165875)

Pandiwa - Ang pandiwa ay isang salita o maaaring bahagi ng pananalita na nagpapakita o nagpapahayag ng isang kilos o galaw tulad ng takbo, sigaw, talon, nagpapakita at nagpapahayag din ng pangyayari, naging o nangyari, at nagpapahayag ng katayuan tulad ng tindig, upo, umiral (https://brainly.ph/question/2413739)

#LearnWithBrainly