Ang sugnay ay grupo ng mga salitang binubuo ng simuno at panaguri. (English: clause).
Ang malayang sugnay ay sugnay na mayroong buong diwa. (English: Independent Clause). Kumbaga parang meron siyang simuno at panaguri tapos maiintindihan mo talaga kung ano ba yung laman ng pangungusap.
Ang di-malayang sugnay ay sugnay na hindi buo ang diwa. (English: Dependent Clause). Kumbaga parang kahit na may simuno at panaguri na yung pangungusap, hindi mo pa rin makuha o maintindihan kung ano ba talaga ang ibig iparating o ang ibig ipahiwatig ng pangungusap.