IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
MGA SAKLAW NG HEOGRAPIYA ay ang mga ANYONG LUPA, ANYONG TUBIG, LIKAS YAMAN, KLIMA AT PANAHON, FLORA AT FAUNA, EKONOMIYA AT ANG INTERAKSYON NG MGA TAO sa buong daigdig.
Narito ang mga impormasyon sa bawat saklaw ng heograpiya:
Anyong Lupa - Ito ay ang mga kapatagan, malalawak na mga lupain na maaaring sakahan, taniman at tayuan ng mga bahay at haligi. Ito ay ang mga burol, lambak, kabundukan, talampas at mga bulubundukin
Anyong Tubig - Ito ay ang mga karagatan, lawa, ilog, talon, sapa at marami pang uri ng mga katubigan sa daigdig.
Likas Yaman - Ito ay ang mga natural na nakukuha mula sa mga anyong tubig at anyong lupa. Kalimitan sa mga ito ay ang mga hayop na kinakain at mga mineral.
Klima at Panahon - Ito ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa
isang lugar sa mahabang panahon at ang kondisyon ng atmospera o himpapawid sa
isang lugar sa tiyak na oras
Flora at Fauna - Ito ay ang mga halaman at mga hayop sa isang lugar
Ekonomiya o distribusyon - Ito ay ang sistema ng pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang lugar.
Interaksyon ng mga tao - Ang mga ginagamit na wika at dayalekto na ginagamit sa
pagsasalita, pagsusulat at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isang lugar.
(Tingnan ang iba pang kasagutan sa link na ito: https://brainly.ph/question/119584)
*********************
Galing sa dalawang salitang Griyego ang salita ang HEOGRAPIYA: Geo – daigdig at Graphia – paglalarawan. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral
ng katangiang pisikal ng daigdig.
Mayroon ding Tema ng Heograpiya: Ang una ay ang LOKASYON - tinutukoy ang kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. May dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon: Absolute - gamit ang imahinasyong longhitude line at lattitude line at Relatibong Lokasyon - batayan ay mga lugar na nasa paligid nito. Ang pangalawang tema ay ang LUGAR- tinutukoy ang mga katangiang natatangi sa pook
May dalawang paraan ng pagtukoy ng lugar: Katangian ng
kinaroroonan - mga klima, anyong lupa at anyong tubig, likas yaman at ang Katangian
ng mga taong naninirahan - wika, relihiyon, densidad o dami ng mga tao, kultura
at pulitika. Ang pangatlong tema ay ang REHIYON - bahagi ng daigdig na
pinagbuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal at kultural. Ang pang-apat na
tema ay ang INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN - ang kaugnayan ng tao sa
pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan. Ang panglimang tema ay
ang INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN- kapaligiran ang pinagkukunan ng
pangangailangan ng mga tao, ganoon din ang pakikiayon ng mga tao sa mga
pagbabagong nagaganap sa kaniyang paggalaw. Ang huli ay ang PAGGALAW- ang
paglipat ng mga tao mula sa kinagisnan patungo sa ibang lugar,pati paglipat ng
mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan.
(May kaugnayan! Tingnan ang link na ito: Ano ang limang tema ng heograpiya - https://brainly.ph/question/122996)
******************
Ang HEOGRAPIYA ay itinuturing na sibilisasyon ng bansa na may maunlad na antas
ng pamumuhay o kultura. Ang mundo ay may iba't ibang pisikal na katangian at
ito ay nakaugnay at nakaaapekto sa maraming aspeto ng pamumuhay ng mga tao. Mahalaga
na matutunan natin ang ating heograpiya upang malaman ang lahat ng ating
mga natural na yaman. Ang maaliwalas na kapaligiran at kagandahan ng bansa ay
epekto ng pagkakaroon ng karunungan ukol sa heograpiya. Dahil sa heograpiya
malalaman natin kung ano ang mga nangyayari sa ibabaw ng mundo at ang
iba’t ibang gawain na nagaganap dito. Mahalaga rin na matutunan natin ang
kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang
Asyano. Dito natin malalaman kung ano ang pinagmulan ng isang bagay at
pangyayari.
(May kaugnayan! Tingnan ang iba pang
depinisyon sa link na ito: Kahulugan ng heograpiya - https://brainly.ph/question/127937)
Dapat pangalagaan ang heograpiya upang mas maging umunlad at mapayapa ang bansa. "Mahalagang malaman ang tungkol sa pisikal na aspeto ngdaigdig dahil tahananito ng tao". Makatutulong ang heorapiya upang lubos nating maunawaan ang paligid na ating kinabibilangan at kinukuhan ng kabuhayan.
(Dagdag kaalaman! Tingnan ang link na ito: Bakit mahalagang pag-aralan ang
heograpiya at kasaysayan? - https://brainly.ph/question/161010)
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.