Hanggang ngayon ay hindi pa rin ganoong kalinaw at tukoy ang totoong pinagmulan ng salitang "Asia o Asya".
Ang isang teoryang pinaniniwalaan ng iba ay ang kaunaunahang nakatangi ng salitang Asia ay si Herodotus (440BCE). Ang salitang "Asia" ay maaaring hinuha sa salita ng Sinaungang Griyego, "Ἀσία".
Ito ay orihinal na itatawag lang dapat sa silangang bahagi ng Aegean Sea lugar na kilala sa tawag na Assuwa para sa mga Hittites. At dahil mga mas kilala ang ngalang Assuwa, maari ring dito hango ang salitang "Asia".
Ang pangalawa naman teorya ay nagsasabi na maaaring kinuha sa salitang Akkadian "asu" ang "Asia" (c. 1300) na ang ibig sabihin ay "to go out, to rise," o "the land of the sunrise."
Samantalang ang pangatlong teorya naman ay pinaniniwalaan ng mga historians at mananaliksik na galing ito sa salitang Phoenicia, "asa" na ang ibigsabihin ay "east o silangan".