IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Answer:
Anu-ano ang mga uri ng pambubulas?
- Pisikal na pambubulas (physical bullying) - ito ay ang panggigipit gamit ang pisikal na lakas o dahas sa isang tao upang makamit ang personal na hangarin. Kalimitan itong nangyayari sa mga lugar na ang mga tao ay bumubuo ng mga grupo tulad ng paaralan at lugar ng trabaho. Ang mga taong may malalakas at malalaki ang katawan ang karaniwang nambubulas sa mga lugar na ito at gumagamit ng dahas upang maiparamdam sa ibang tao ang diperensya ng abilidad. Dahil dito, madalas na naaapektuhan ang mga taong mababagal o mahihina ang katawan kaya sila nabubulas.
- Berbal na pambubulas (verbal bullying) - ito ay ang paggamit ng masasakit na salita upang maliitin at sirain ang atensyon, kumpyansa, at reputasyon ng isang tao upang makamit ang personal na hangarin. Dahil na rin sa ugali at personalidad ng mga taong ito, hindi nila pinipili ang kanilang mga salita o isinasaalang-alang ang damdamin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi mahalaga sa kanila ang reaksyon at opinyon ng iba. Kalimitan ay nagaganap ito sa mga kababaihan dahil kumpara sa mga kalalakihan, ang mas bokal sila sa kanilang mga nararamdaman at saloobin.
- Emosyonal na pambubulas (emotional bullying) - maihahambing itong katulad ng berbal na pambubulas pero ang kaibahan nito ay ang pananamantala ng kahinaan ng tao sa pagdedesisyon at pagharap sa mga sitwasyon sa buhay. Liban sa mga salita, ginagamit rin ang mga kilos, gawi, at kinagisnang kultura upang gipitin ang taong nais pagsamantalahan. Ginagamit rin nila ang sitwasyon upang makuha ang nais. Ang mga taong may mahina ang personalidad ang madalas nagiging biktima nito.
- Pambubulas gamit ang teknolohiya (cyber bullying) - ito ang pinakabagong paraan ng pambubulas. Nangyayari ito sa mga social media websites at ginagamitan ito ng mga gadgets tulad ng computer, cellphones, at tablets upang maiparating at maiparamdam ang pambubulas. Kahit na malayo sa isa't isa at hindi magkakasama, naisasagawa parin ang pambubulas dahil ginagamitan ito ng berbal o emosyonal na pambubulas at pinagsasamantalahan ang kalayunan nila sa isa't isa kaya lalong humihina ang loob ng isang taong binubulas.
Mga epekto ng pambubulas:
- Pagiging balisa, kadalasang umiiwas sa maraming tao
- Hindi pagkain ng wasto
- Pagkawala ng interes sa makabuluhang bagay at gawain tulad ng pag-aaral o pag-pasok sa trabaho
- Pagmumukmok at hindi pakikisalimuha sa ibang tao
- Pagkakaroon ng matinding pagnanasang makaganti
- Pagpapakamatay o suicide
Kung nais mo pang magkaroon ng dagdag na impormasyon sa paksang ito, maaari mo pang i-click ang mga links sa ibaba:
- Ano ang mental bullying ? : https://brainly.ph/question/2100959
- Epekto ng bullying sa magaaral: https://brainly.ph/question/2121338
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.