Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Ano po kahulugan ng salitang PADASKOL ??

Sagot :

Kahulugan ng Salitang "Padaskol"

Ang padaskol ay binubuo ng unlaping pa- at salitang ugat na daskol. Ang ibig sabihin ng padaskol ay ang mga sumusunod:

  • harabas
  • walang ingat at mabilis na paggawa ng isang bagay o pagsasabi ng kung anuman sa kapwa
  • padalos-dalos

Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang Salitang "Padaskol"

  • Huwag kang sumulat ng padaskol dahil nahihirapan ang iyong guro na intindihin ang mga sagot mo.

  • Para hindi ka makasakit ng damdamin ng iba, huwag kang magsalita ng padaskol.

  • Kaunti na lamang ang bumibili ng iyong mga gawang basahan dahil padaskol ang iyong pagtatahi.

Para sa iba pang salita at kahulugan nito, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/2752020

#BetterWithBrainly

Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.