Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang kailigtasan? sino pwede magbigay ng buhay na walanghanggan?

Sagot :

Ang Diyos ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Ang kaligtasan na tinutukoy sa Bibliya ay ang kaligtasan sa araw ng paghuhukom. Sa araw na iyon ay masusunog at malilipol ang mga bagay na nasa lupa at mga gawang nasa lupa. Ang araw ng paghuhukom ang ikalawang kamatayan kung saan kailangan ng tao ng kaligtasan. Na kung saan ay tanging mga hinirang lamang ng Diyos ang magtatamo ng kaligtasan. Ang mga taong ito ay ang mga nakay Cristo Jesus. Ayos sa Juan 10:9 "Ako nga ang pintuan ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko'y maliligtas" Sa makatwid ay ang mga kay Cristo Jesus lamang ang magtatamo ng kaligtasan o ang mga nagsipasok dito o sa Iglesiang Kaniyang itinayo na tinubos niya ng Kaniyang dugo (Gawa 20:28 Lamsa) Ang Diyos lamang ang magbibigay ng buhay na walang hanggan sa mga hinirang Niyang matuwid at tapat.