Bago ito tawaging na Dinastiyang Qin, ang mga Ying ang namumuno sa Qin (bansa). Ayon kay Sima Qian, ang angkan ng Qin ay nagmula kay Emperador Zhuanxu (isa sa mga limang emperador ng maalamat na panahon). Isa sa kanilang ninuno, Dafei ay nakatanggap mula kay Emperador Shun ng apelyidong Ying. Isa pang ninuno, Feizi ay naglingkod kayHaring Xiao ng Zhou bilang taga-ensayo ng kabayo ng hari ay nakatanggap ng lupa sa Quanqiu (ngayon Tianshui, Gansu); dito nanggaling ang Qin at pinaniniwalaan na dito rin kinuha ang pangalan ng dinastiya. Ang Dinastiyang ito ay itinuring na simula ng Imperyong Tsina.