Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Si Haring Laon ay isang mabait na hari sa lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan sa kanyang pamamasyal mayroon siyang napansin na isang ulupong na may pitong ulo sa kabundukan kung kaya siya ay hindi mapakali at kinabukasan ay kanyang pinapunta ang kanyang mga kawal. Ngunit nabigo ang mga ito na sugpuin ang ulupong kung kaya ang ulupong na may pitong ulo ay nanalasa sa kanilang kaharian. Dahil sa pananalakay ng ulupong na may pitong ulo si Haring Laon ay nagpasyang kumunsulta sa mga patas upang mabigyan solusyon ang suliraning kanilang kinahaharap. Ang solusyon na binigay sa kanila ay mag-alay ng magandang dalaga upang ang ulupong ay matigil na sa pananalakay sa kanilang kaharian ngunit wala silang makuhang maiaalay maliban kay Prinsesa Talisay, ang kanyang anak na dalaga na handa namang isakripisyo ang sariling buhay upang matigil na nga ang pananalakay ng ulupong.
Ngunit ito ay napigilan ng isang banyaga na si Kan. Sapagkat inalok nito si Haring Laon na siya na ang pupuksa at papatay sa ulupong na may pitong ulo. Pumayag ang hari at siya ay nangako na kanyang ipapakasal dito si Prinsesa Talisay at kanyang ibibigay ang kalahati ng kanyang kayamanan dito kapag napatay nito ang ulupong. Napatay ni Kan ang ulupong na may pitong ulo ay agad niya itong dinala sa kaharian. Si Haring Laon ay tumupad sa kanilang usapan ng binata. Ipinakasal niya si Prinsesa Talisay kay Kan ang ibinigay niya dito ang kalahati ng kanyang kayamanan.
Ang Bundok ng Kanlaon ay ipinangalan sa binatang nakapatay sa ulupong na may pitong ulo na si Kan at sa Haring si Laon, isang hari na naging mabait sa kanyang nasasakupan.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.