IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Mga Pangunahing Bahagi ng Niyog
Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Bakit? Ito ay puno ng buhay dahil mula sa ugat hanggang bunga nito ay napapakinabangan. Ang lahat ng bahagi nito ay magagamit sa iba't ibang larangan. Narito ang mga pangunahing bahagi ng niyog:
- Ugat
- Katawan o Punong kahoy
- Dahon
- Bulaklak
- Bunga
Mga Gamit o Kahalagahan ng mga Bahagi ng Niyog
Tulad ng nabanggit, lahat ng bahagi ng niyog ay may pakinabang. Narito ang ilan sa mga gamit o kahalagahan ng mga ito:
Ugat
- Ginagawang inumin at halamang gamot
- Ginagamit bilang tina
- Pangunahing sangkap ng sipilyo
- Ginagamit bilang materyales sa handicrafts tulad ng paggawa ng kwintas at pulseras
Katawan o Punong Kahoy
- Pangunahing sangkap sa paggawa ng papel
- Ginagamit sa paggawa ng mga kagamitan tulad ng pinto, upuan at lamesa
- Ginagamit sa mga istraktura at disenyo ng interior at exterior
Dahon
- Ginagamit sa paggawa ng bubong at dingding ng gusali
- Ginagamit sa paggawa ng tingting at basket
Bulaklak
- Maaaring magamit sa paggawa ng alkohol at suka
- Ginagamit din sa mga sumbrero, bag at strap ng sandals
Bunga
- Pagkain ng tao
- Pinagkukuhaan ng langis
- Ginagawa namang bunot ang balat ng niyog
Buod ng Alamat ng Niyog:
https://brainly.ph/question/1729575
#BrainlyEveryday
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.