1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabisang pagdaloy o
paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto
sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig. _____________________________________
2. Ayon sa kaniya, ang globalisasyon ay may tiyak na
simula. Ito ay hindi isang bagong phenomenon o
pangyayari at hindi rin siklo. __________________________
3. Para sa kaniya, ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na malawak,
mabilis, mura, at malalim. __________________________
4. Binanggit niya na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng
pagbabago, mga panahong maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap
tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya’t
higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.
________________
5. Binigyang diin nya na ang globalisasyon ay nakaugat na sa bawat isa. Ito
ay manipestasyon ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na
nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o
manlalakbay. __________________________
Pagpipilian:
- Ritzel
- Friedman
- Chanda
- Scholte
- Thernborn
- Thorndike