IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Answer:
Ang tulang pasalaysay ay may tatlong uri. Ito ay ang epiko, awit at
kurido, at balad. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas at
nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng pangunahing tauhan
laban sa mga panganib at hamong kanyang nahaharap. Ang paksa sa awit
at kurido ay tungkol naman sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng
mga pangunahing tauhang reyna’t hari o prinsipe at prinsesa. Ang balad
naman ay tualng inaawit habang may nagsasayaw. Mayroon itong anim
hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay ang balitaw.