IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Basahing muli kwento ng liwanag sa dilim sa pahina 13 isulat ang buod nito gawin ito sa iyong sagutang papel
KAILAMGAN KO NA PO ITO SA FRIDAY PLS​

Sagot :

Answer:

Isang magandang halimbawa ng katatagan ang buhay ni Dero Rodrigo Gamnubao. Isa siya sa mga kapitbahay ko sa tabi ng ilog Pasig. Oo, nasa squatter's area kami nakatira at kahit anong oras, maaaring mawala ang bahay namin sa isang iglap. Si Dero ay hindi ko lang basta kapitbahay, siya ang karamay ko sa mga pagsubok ng buhay. Palagi kaming magkasama lalo na sa pook libangang pinangalanan naming “Mountain of Needs” (Ilan lang ito sa Ingles na natutunan namin noong nag-aaral pa kami.) Sa tagalog, tinawag namin itong “Gabundok na Basura”. Hanggang ikaapat na baitang lang ang natapos namin kasi di na kami kayang pag-aralin ng mga magulang namin kaya pangangalakal lamang ang alam amin. Hindi kami mapaghiwalay, liban nalang nung araw na kailangan na nilang lumipat sa probinsya kasi dun na raw magtatrabaho ang tatay niya