Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito.
Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.