Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Magbigay ng apat na dapat gawin para maipakita ang paggalang sa suhestiyon o ideya ng kapwa​

Sagot :

Answer:

Paggalang

Ang paggalang ay nagsimula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,”. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang.

Apat (4) Halimbawa ng Paggalang sa Suhestiyon o Opinyon ng Kapwa

1. Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti o makakasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.

2. Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa pakikipag-usap, wag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda, palaging isa-alang alang ay ang mararamdaman ng taong nagbigay nito. Lahat naman ay maaaring idaan sa maayos na usapan.

3. Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na makakasakit ng damdamin ng ibang tao at Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito ang MAS makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago isagawa ito.

4.. Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang opinyon o saloobin ng lahat, pagkatapos ay pagsama-samahin ang lahat ng ito, timbangin ang mga maaring gawin at hindi gawin at saka magkaroon ng konklusyon.