IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Ang lipunan sa panahon ng piyudalismo ay nahahati sa tatlong uri- mga maharlika, mga klerigo o pari at mga serf. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa mga serf?
A. Ang mga serf ay kinilala bilang natatanging sektor sa lipunan.
B. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Gitnang Panahon.
C. Napapa-unlad nila ng malaya ang kanilang pamumuhay at pamilya.
D. Ang mga serf ay may karapatan at kalayaang bumuo ng sariling pamilya.

Sagot :

Answer:

Paglalarawan sa Isang Serf

Ang mga serf ang bumubuo sa masa ng mga tao noong Middle Ages, kaya ang tamang sagot ay letrang B.

Explanation:

Noong Middle Ages, kung ikaw ay nabuhay na isang serf, kailangan mong pagsilbihan ang iyong amo na siyang vassal na pinagkalooban ng lupa. Ang mga vassal na ito ay malalapit sa mga hari, kaya naman napili sila upang pagbigyan ng mga lupain. Bilang isang serf, tungkulin mo na linangin at alagaan ang mga malalawak na lupaing ito. Kailangan mong magtanim ng mga pananim, at sundin ang lahat ng ipag-uutos sa iyo ng vassal. Kung hindi mo susundin ang mga kautusan ng vassal, maaari kang maharap sa iba’t-ibang mga parusa.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga serf, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/799727

#BrainlyEveryday