IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Sumulat ng maikling pagbabalita hinggil sa mga simbolo na nakikita o napapansin sa
mga pampublikong lugar upang maiwasan and CoViD 19.​

Sagot :

Ang bagong Coronavirus, na kilala din bilang COVID-19 ay pinaniniwalaang kumakalat sa mga tao na malapit sa isa’t isa dulot ng mga patak na galing sa ubo at bahing. Maaari din mahawa sa virus kapag hinawakan mo ang iyong bibig, ilong at mata pagkatapos hawakan ang isang bagay na may virus. May iba’t-ibang paraan kung paano protektahan ang iyong sarili, iyong pamilya, at iyong komunidad sa virus.

Ang pinaka-epektibong paraan ay ang madalas na paghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig na hindi kukulang sa 20 na segundo, lalo na pagkatapos manggaling sa isang pampublikong lugar o pagkatapos ng pagsinga, pag-ubo, o pagbahingKung ikaw ay makaramdam ng mga sintomas ng virus, tawagan ang iyong healthcare provider at kausapin sila tungkol sa iyong mga sintomas, kung paano kang posibleng nahawa, at anumang mga kondisyon na meron ka bago pa nito. Ang iyong healthcare provider ay magpapasya kung kailangan mong magpasuri batay sa impormasyong iyong ibinahagi.Gayundin, alalahanin na ang mga lokal na opisyal sa kalusugan ng publiko ay maaaring gumawa ng mga rekomendasyon na natitiyak sa iyong lokal na sitwasyon. Kung paano ka tumugon sa pagkalat (ng COVID-19) ay maaaring depende sa iyong background, sa komunidad kung saan ka nakatira, at ang mga bagay na naiiba sa iyo sa ibang tao. Ang pag-aalaga sa iyong sarili ay makakatulong sa stress sa panahon ng pagkalat ng sakit at ang pagtulong sa iba na makayanan din ang kanilang stress, at ang pagbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa virus ay maaaring magpalakas sa iyong komunidad