Panuto: Ang mga sumusunod ay may pagpapatungkol sa anaphora at katapora. Isulat
ang PA kung pagpapatungkol sa anaphora ang panghalip na may
salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na panghalip na may
salungguhit sa pahayag.
1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil i͟t͟o͟ ay
nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.
2. Sa panahon ng k͟a͟n͟y͟a͟n͟g͟ panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V.
Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
3. Ayon sa mga nakakaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang
turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw s͟i͟y͟a͟n͟g͟ pangulo.
4. Isa s͟i͟y͟a͟n͟g͟ ekonomista kaya alam ng Pangulog Arroyo kung paano muling sisigla ang
turismo sa Pilipinas.
5. i͟t͟o͟ ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo
ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo.