Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Pagkakaiba ng tabloid at board sheet

Sagot :

Makikita ang matalas na pagkakaiba ng broadsheet at tabloid sa usapin ng pagpili ng istorya. Sapagkat mas maliit ang espasyo sa tabloid, mas maliit rin ang inaasahang pagkonteksto sa mga balita. May puntong naisasantabi na ang mga pambansang isyu. Sa kaunting espasyong ito, nagkakasya ang maraming sambahayan para sa balita at impormasyon. Nagiging matibay na dahilan ang mababang presyo ng tabloid relatibo sa broadsheet upang hindi maging abot-kamay ng sambahayan ang sapat na impormasyong kinakailangan upang magampanan nito ang pananagutan bilang mamamayang mapangmatyag at kritiko -- isang esensyal na elemento sa isang "ipinapalagay" na demokratikong lipunan. Mahalaga ang gampanin ng responsableng pamamahayag upang patuloy na matustusan ang kakulangang ito. 

Pansining ang banner headline o pinaka-ulo ng balita ng mga pahayagan -- mas binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories (panggagahasa, pananamantala/molestation, kidnapping, atbp.) at mga kwentong ikamamangha ng mga mambabasa kumpara sa pambansang isyung inilalatag ng mga broadsheet. Sa anyo ng balita hanggang sa paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o mali.
ang tabloid ay yung mga dyaryo na maliliit katulad nung mga tonite, ngayon, bulgar.
yung broad sheet naman yung mga malalaki, like manila bulletin