Tama o Mali
panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng ganap na kawastuhan at M kung hindi.
1. Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti.
2. Ang kilos o gawa ay hindi agad mahuhusgahan na masama o mabuti.
_3. Ang pagiging mabuti o masama ng isang kilos ay hindi nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito.
4. Hindi lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan.
5. Ang bawat kilos ng tao ay may layunin.
_6. Kailangan nating maging maingat sa pagpapasiya sa bawat kilos natin.
7. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang
mangyari.
8. Lahat ng kilos ay obligado.
_10. Ang pagbayad ng buwis ay isang makataong kilos at obligasyon.
11. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip.
12. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa o kilos ay maituturing na
makataong kilos.
13. Ang pag-ibig ay hindi maituturing na halimbawa ng masidhing damdamin.
14. Ang nauuna na masidhing damdamin ay umiiral bago pa man gawin ang isang kilos.
15. Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.