Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Answer:
Ikinukuwento ng kanta ang pamamaalam kay Dandansoy ng kasintahan na uuwi sa Payaw. Gayunman binibigyan ng babae si Dandansoy ng pagkakataón upang patunayan kung wagas ang pag-ibig. Nása unang saknong ang pamamaalam at pagbibilin kay Dandansoy na kung ito ay mangulila o ‘hidlawon’ ay maaari siyáng makita sa Payaw.
Dandansoy, bayaan ta ikaw,
Pauli ako sa Payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang Payaw, imo lang lantawon.
Sa pangalawang saknong, binabalaan ng mang-aawit si Dandansoy na kung ito ay susunod (“apason”), huwag magbabaon ng tubig. Subalit kung ito ay mauuhaw, sa daan ay may maiinumang balon (“magbubon-bubon”). Ang mga saknong ay may tugmang aabb bbbb cccc dddd.
Dandansoy, kung imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon.
Sa pangatlong saknong, itinatanong kung nasaan ang kura sa kumbento at nasaan ang hustisya sa munisipyo dahil magsasampa ng kaso (“maqueja”) si Dandansoy – kaso sa pag-ibig.
Convento, diin ang cura?
Municipio, diin justicia?
Yari si dansoy maqueja.
Maqueja sa paghigugma.
Sa hulíng saknong, sinasabi ng mang-aawit kay Dandansoy na dalhin ang kaniyang panyo upang maikumpara (“tambihon”) nitó sa kanyang sariling panyo. Kapag nagkatugma ang mga panyo, ang ibig sabinin ay bana nitó si Dandansoy. Bilang awiting-bayan, walang kinikilálang sumulat sa kanta at wala ring kinikilálang mang-aawit, ngunit inawit na ng mga sikat ng mang-aawit gaya nina Nora Aunor at si Pilita Corales. Itinuturing din itong isang ili-ili o panghele sa batà upang makatulog.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.