IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Sagot :
Kasagutan:
Apolinario Mabini
Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 23 1864 at namayapa noong Mayo 13, 1903. Siya ang unang punong ministro ng Pilipinas. Kilala sa kanyang talinong pampulitika. Si Mabini ay tinawag na utak ng rebolusyon. Bago ang kanyang kamatayan noong 1903, ang gawain at pag-iisip ni Mabini ay nakatulong sa gobyerno at humubog sa laban ng Pilipinas para sa kalayaan sa mga sumunod na panahon.
Noong bandang 1896, si Apolinario Mabini ay nagkaroon ng polio, na naging sanhi upang ang kanyang mga paa ay maging paralisado. Inaresto si Mabini noong Oktubre ng 1896 dahil sa kanyang naging papel sa kilusang reporma.
#AnswerForTrees
Answer:
Apolinario Mabini
- Si Apolinario Mabini ay mas kilala sa tawag na "dakilang lumpo" at "Utak ng Himagsikang Filipino". Si Mabini ay ipinanganak noong Hulyo 23 1864 sa Talaga Tanauan Batangas. Ang kaniyang mga magulang ay sina Inocencio Mabini na isang maralita at Dionisia Maranan na isang tindera sa palengke. Si Mabini ay nakapagtapos ng Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1894. Dahil sa kaniyang husay sa mga batas ay itinalaga siya ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo bilang Punong Ministro ng Rebulosyunaryong Kongresong Malolos. Si Mabini ay namatay noong Mayo 13 1903 sa Manila dahil sa sakit na Kolera.
#AnswerForTrees
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.