Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Bago malikha ang Lungsod Quezon, ito ay binubuo ng mga maliliit na bayan, tulad ng San Francisco del Monte, Novaliches, at Balintawak. Noong 23 Agosto 1896, ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio ay nagsimula ng himagsikan laban sa Espanya sa tirahan ni Melchora Aquino sa Pugad Lawin (ngayon ay Bahay Toro at Project 8). Noong unang kalahati ng ikadalawampung siglo, pinangarap ni Pangulong Manuel L. Quezon na magkaroon ng isang bagong kapital ng bansa, papalitan nito ang Maynila na siyang kasalukuyan noong panahong iyon, at tirahan sa maraming manggagawa. Pinaniniwalaan na ang nauna niyang pagbisita sa bansang Mehiko ay ang nag-impluwensiya sa pangarap na ito.
Noong 1938, nilikha ni Pangulong Quezon ang People's Homesite Corporation at bumili ng 15.29 km2 lupa mula sa lupain ng pamilya Tuason. Ipinasa ng Pambansang Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Commonwealth Act 502 na kilala bilang "Charter ng Lungsod Quezon" na noong una ay inimungkahing Lungsod ng Balintawak. Matagumpay na namungkahi nina Narcisco Ramos at Ramon Mitra, Sr. na maipangalan ang nasabing lungsod sa kasalukuyang pangulo ng panahong iyon. Pinahintulutan ni Pangulong Quezon na maipasa ang nasabing bill upang maging batas ng wala ang kanyang pirma noong 12 Oktubre 1939, at dito naitatag ang Lungsod Quezon.
Matapos ang digmaan, ang Republic Act No. 333 na kung saan naayos ang mga hangganan ng Lungsod Quezon at Lungsod ng Kalookan ay pinirmahan ni Pangulong Elpidio noong 17 Hulyo 1948. Isinasaad din nito na ang nasabing lungsod ang magiging bagong kapital ng bansa at ang lawak nito ay 156.60 km2. Ang Baesa, Talipapa, San Bartolome, Pasong Tamo, Novaliches Poblacion, Banlat, Kabuyao, Pugad Lawin, Bagbag, at Pasong Putik na dating mga bahagi ng Novaliches ay may lawak na 8, 100 hektarya, ay kinuha mula sa Lungsod ng Kalookan at ibinigay sa Lungsod Quezon. Ito ang dahilan kung bakit nahati ang Lungsod na Kalookan sa dalawa - ang katimugang hati ay urbanisado at ang hilagang bahagi ay sub-rural. Noong 16 Hunyo 1950, binago ang Charter ng Lungsod Quezon ng Republic Act 537, kung saan nabago ang lawak ng siyudad sa 153.59 km2.
Eksaktong 6 na taon ang dumaan, noong 16 Hunyo 1956, marami pang binago sa lawak ng siyudad, ang Republic Act No. 1575 na nagbago sa lawak ng siyudad sa 151.06 km2. Nakasaad sa website ng pamahalaan ng Lungsod Quezon na ang lawak ng lungsod ay 161.12 km2. Noong 1 Oktubre 1975, idinaos sa Lungsod Quezon ang "Thrilla in Manila" na laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier.
Sa Presidential Decree No. 824 ni Pangulong Ferdinand Marcos, nalikha ang Kalakhang Maynila (Metro Manila). Ang Lungsod Quezon ay naging isa sa 17 lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila. Nang sumunod na taon, ibinalik sa Lungsod ng Maynila ang pagiging kapital ng bansa mula sa Lungsod Quezon sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 940. Noong 31 Marso 1978, inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na ilipat ang mga labi ni Pangulong Manuel L. Quezon mula sa Manila North Cemetery papunta sa bagung-tayong Quezon Memorial Monument na napapalibutan ng Elliptical Road, Manuel L. Quezon monument, at ang City Hall. Noong 22 Pebrero 1986, ang bahagi ng Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) na nasa Lungsod Quezon ay ang lugar kung saan naganap ang mapayapang People Power Revolution.
Noong 23 Pebrero 1998, pinirmahan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act No. 8535. Isinasaad ng nasabing batas na magkakaroon ng isang Lungsod ng Novaliches na binubuo ng 15 pinaka-hilagang mga barangay ng Lungsod Quezon. Ngunit sa sumunod sa plebesito noong 23 Oktubre 1999, mayorya ng mga nakatira sa lungsod ang tumutol sa paghiwalay sa Novaliches. Ang pamahalaan ng Lungsod Quezon ang unang lokal na pamahalaan sa Pilipinas na may kompyuterisadong paraan sa pagsisiyasat sa real estate at sa sistema ng pagbabayad nito. Nagdevelop ng sistemang database ang pamahalaang siyudad na ngayon ay may nasa 400, 000 property units na may kakayahan na itala ang mga bayad.
Explanation:
Hope it helps :)

#BeMEBrainlist
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.