Ang 'panitikan' ay ang pagsulat ng tuwiran at patula na nag-uugnay sa isang tao. Ito rin ay repleksyon ng buhay na nagpapahayag ng mga kaisipan, mga, damdamin, hangarin sa buhay, diwa at mga karanasan ng tao.
May dalawang pangkalahatang uri ng panitikan ito ay ang:
(1) piksyon - ito ay anumang anyo ng salaysay kung saan ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.
(2) di-piksyon - isang pagsasalaysay o paglalahad ng isang paksa na inihaharap sa isang may-akda bilang katotohanan. Ibig sabihin, ito ay may batay sa tunay na balita at mga pangyayari.