Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Answer:
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.[1] Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdolot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain. Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral agrikultura. Nasa libong taon ang kasaysayan ng agrikultura at ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at binibigay kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan, at teknolohiya. Namamayani bilang kaparaanang pang-agrikultura ang agrikulturang pang-industriya na nakabatay sa malawakang monokulturang pagsasaka.
Explanation: